-- ADVERTISEMENT --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ibinulgar ngayon ng isang Afghan-American doctor na nakabase sa Estados Unidos na nabahiran umano ng kurapsyon ang mabilis na pagbagsak ng gobyerno ni Afghan President Ashraf Ghani at muling naagaw ng rehimeng Taliban na 20 taon na nasa likod ng civil war sa Afghanistan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Afghan-American Dr Ali Karim na dahil umano sa kabiguan ng US government na mabigyang sahod ang mga sundalo at mas nasagot pa ng Taliban fighters ang financial obligations na ito ay resulta na sobrang bilis ang pagkasako ng mga syudad.

Inihayag ni Karim na kunwari lang umano na nabigla ang US government sa mabilis na pagbagsak ng gobyerno ni Ghani subalit iyon umano ang tunay na kuwento sa pangyayari.

Una nang nagpahayag si Karim na aktibong doktor na nakabase sa Amerika na dismayado ito sa katwiran ni US President Joe Biden na kaya bumagsak ang Afghan govt ay dahil umano sa ginawa nag pagtakas ni Ghani at hindi paglaban ng mga sundalo.

Si Afghan-American Dr Ali Karim

Subalit ang nasa totoo umanong dahilan ay mayroon umanong nangyari na korapsyon o hindi paggawal ng mga sundalo upang ipagtanggol ang gobyerno epekto sa pagbigay pera ng Taliban para angkanin ang buong bansa.

-- ADVERTISEMENT --