CAGAYAN DE ORO CITY – Bumuhos ang mga luha ng dating hirap at pulubi na bata na sa kasalukuyan ay kaliwa’t kanan ang naabot na tagumpay ng buhay sa maraming larangan na si Senator Manny Pacquiao.

Ito ay matapos nabisita ng unang pagkakataon ng eight world boxing division champion na si Pacman ang mismong lugar na sinilangan nito sa Barangay Magsaysay ng Kibawe,Bukidnon simula nang lumisan ang kanilang pamilya dahil sa sobrang kahirapan at nakikipagsapalaran sa General Santos City.

-- Advertisement --

Sa pagharap ni Pacman sa kanyang mga kababayan ay hindi nito naiwasan na mapaiyak habang sinariwa kung gaano sila naghihirap ng kanyang pamilya habang nakatira sa maliit na bahay.

Inihayag ng pambansang kamao na si Pacquiao na isang malaking karangalan na nabisita nitong muli ang kanyang lupang sinilangan at naibahagi ang karanasan upang magbigay inspirasyon sa mas marami pang naghihirap na kababayan na huwag sumuko laban sa mga pagsubok ng buhay bagkus ay magpupursige hanggang magtatagumpay.

Napaluha rin ang ilan sa mga kababayan nito habang nakikinig sa kuwento ng kanyang buhay at bago ito umalis ay namimigay ng grocery items at cash.

Si eight world division champion Manny Pacquiao

Sinunod naman ni Pacman na tinungo ang mga residente ng Barangay Tablon ng Cagayan de Oro City kung saan namimigay rin ito ng katulad na tulong bilang pasasalamat sa sobra-sobrang biyaya na natanggap ng kanyang buong pamilya nito.