-- ADVERTISEMENT --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa P35 million ang danyos matapos masunog ang dalawang warehouse sa Neo Arcade, Zone 4 Barangay Cugman nitong lungsod.

Ayon kay Bureau of Fire Protection District Fire Marshall Supt Allan Cabut nasunog ang nirentahang bodega ng negosyanteng Intsik na si Toma Sia, residente sa nasabing lugar,

Aniya, patuloy pa nilang inaalam ang dahilan ng nasabing sunog kung saan tinupok nang apoy ang lahat ng mga produkto na nasa loob ng bodega.

Umabot naman sa 4th alarm ang nasabing sunog kung saan mahigit sa sampung firetrucks ang nagtutulongan para mapatay ang apoy lalo pa’t naubosan ng tubig ang mga bombero.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga bombero ang buong halaga ng danyos ng nasabing sunog kabilang na ang mga produkto na tinupok ng apoy.

-- ADVERTISEMENT --
Si Bureau of Fire Protection District Fire Marshall Supt Allan Cabut

Walang sugatan o namatay sa nangyaring sunog.