-- ADVERTISEMENT --

CAGAYAN DE ORO CITY- Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa P 3-Milyon halaga ng illegal na Sibuyas noong October 15 sa Mindanao Container Terminal (MCT) Sub-port sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Sinabi ni BOC-10 spokesperson Angelo Andrade, galing China ang kargamento na ideklarang “frozen malt” at dahil sa natanggap na alerto ay minabuting inspeksyonin ito at tumambad ang sandamakmak na Sibuyas.

Ayon kay Andrade, patuloy pang iniimbestigan ang consignee ng kargamento na South Road Consumer Goods Trading.

Matatandaang, noong nakaraang buwan lamang ay dinispatsa ang P13.5 Million na smuggled na Sibuyas na galing din sa bansang China.