CAGAYAN DE ORO CITY – Isasailalim ng surprise mandatory drug test ang lahat ng mga tauhan o trabahante ni Deputy House Speaker Rufus Rodriguez na kumakatawan sa segundo distrito ng Cagayan de Oro City.

Ito ang hakbang ng kongresista kasunod ng kanyang pagkagulantang ng malaman sa Bombo Radyo na naaresto ang isa sa kanyang drivers ng congressional office dahil sa umano’y pagkasangkot ng ilegal na droga sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag nito na maging kung siya ang unang nakakaalam na nasangkot ng illegal activities ang kanyang tauhan na si Julius Datahan ay mismo umano siya ang magpa-aresto nito para maalis sa trabaho at mananagot sa batas.

Inihayag ni Rodriguez na walang anumang kompromiso na maaring mangyari kahit higit tatlong taon na naninilbihan ang suspek sa kanyang tanggapan.

Magugunitang naaresto ng pulisya si Datahan habang isinagawa ang anti-drug buy bust operation kung saa nakunan ng tatlong sachets na mayroong laman na pinaghihinalaang ilegal na droga kasama ang marked money.

-- Advertisement --
Si Deputy House Speaker Rufus Rodriguez

Bagamat inamin ng suspek na nakagamit ito ng droga noong unang panahon subalit mariing itinanggi nito na nasangkot nang pagbebenta.