-- ADVERTISEMENT --

CAGAYAN DE ORO CITY – Madaliang pagkamtan ng hustisya ang sigaw ng pamilya at mga kaanak sa medical director na unang tinambangan-patay sa limang gun for hire suspects sa Oro Gardens,Barangay Lumbia,Cagayan de Oro City.

Ito ang emosyonal na sigaw ng pamilya ni Maria Reyna Xavier University Hospital medical director Dr Raul Winston Andutan nang inihatid na ang kanyang mga labi sa huling hantungan nitong lungsod kaninang umaga.

Bagamat hindi nagpaunlak ng anumang panayam ang maybahay ng biktima na isa ring doktora o maging ang kanilang anak dahil mas pinili nila na manahimik subalit bakas sa kanilang mga mukha kung ano ang gustong mangyari kaugnay sa masakit na nangyari sa pamilya nito.

Una nang nagsagawa ng motorcade ang ka-trabaho at mga kaibigan ng mag-asawang Andutan sa bahagi ng Rotonda Circle patungo sa funeral homes upang makita ng publiko ang sigaw na hustisya laban sa mga salarin.

Magugunitang apat pa rin nahuli na suspected hired killers habang nanatili na malaya ang nagsilbing ‘middle man’ na isang dating army reserved at hindi pa tukoy ang pinaka-utak ng kremin.

-- ADVERTISEMENT --

Napag-alaman na marami sa hospital clients na nakakilala kay Andutan ang naghihinayang sa kaniyang biglaang pagpakawala dahil sa sobrang makatao nito pagdating sa serbisyong medikal.