-- ADVERTISEMENT --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsilikas ang nasa higit 100 pamilya sa mas ligtas na lugar matapos umapaw ang tubig-baha sa ilang mga ilog na nakabase sa pili na mga barangay ng Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.

Ito ay matapos tinamaan ng ilang oras na malakas na buhos ng mga pag-ulan partikular ang probinsya ng Bukidnon kung saan nag-resulta ng malaking porsyento ng tubig ay nai-deposito patungo sa mga ilog ng Cagayan de Oro City kagabi.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Canitoan Punong Barangay Joshua Tabocloan na mismo lamang sa kanyang nasasakupan ay nasaa 155 na pamilya ang direktang apektado nang umaabot ang baha sa kanilang mga tahanan.

Sinabi nito na agad inilikas patungod sa covered court ng barangay ang inisyal na 30 pamilya habang 25 naman sa simbahan ng Iglesia Filipina Independiente habang na stranded sa mga bubong ng kanialng bahay ang tinatayang 100 pamilya rin sa Scions Subdivision.

Dagdag nito na natangay rin ang ilang kabahayan na inaabot ng tubig sa bagamat walang kahit isang residente na bahagi na nilamon ng baha.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala,naabot rin ng tubig-baha ang nasa higit 200 pamilyamula sa Barangay Iponan at Barangay Tablon ng lungsod na maging ang bahagi ng Opol,Misamis Oriental

Si Canitoan Punong Barangay Joshua Tabocloan

Pagpapaliwanag ng PAG-ASA na ang naranasan na pag-ulan ay bunsod ng severe localized thunderstorms na kanilang ipinagbigay alam sa mga residente na tatama sa ilang bahagi ng Northern Mindanao sa nakalipas na 24 oras.