CAGAYAN DE ORO CITY – Lomobo pa ang bilang ng mga pamilya na puwersahang lumikas dahil nangangamba sa kanilang seguridad dahil sa patuloy na opensiba ng militar at pulisya laban sa nasa 30 hanggang 50 miyembro ng Sub- Regional Committee-5 ng CPP-NPA sa western portion ng Misamis Oriental.

Photos from Misamis Oriental PDRRMO

Ito ay matapos unang napatayan ang mga rebelde at nahulian ng squad lider noong nagka-engkuwentro sa buwan ng Nobyembre kaya pinaldahan ng karagdagang puwersa ng SRC-5 ang lugar na tinapatan naman ng ilang teams ng Police Regional Office 10 at 4th ID,Philippine Army.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Misamis Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Fernando Dy Jr na kabilang sa apektado ay ang mga residente na nagmula sa ilang bahagi sa bayan ng Naawan,Alubijid at Initao.

Inihayag ni Dy na pansamatala na nakasilong ang mga apektadong residente sa barangay ng Sungay at Tula ng Alubijid habang nasa Sinalac naman ng Initao at pinagkasya rin ang ibang pamilya sa Tagbalogo at Lubiran ng Naawan.

Batay sa inisyal na bilang ng PDRRMO,nasa 998 na pamilya na ang apektado na kinabilangan ng 560 mula sa Alubijid,300 sa Naawan at 138 naman sa bayan ng Initao.

Si Misamis Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Fernando Dy Jr

Magugunitang sa pinakahuling engkuwentro,nagtala ng dalawang sundalo ng 1st Special Forces Batallion ng Philippine Army ang sugatan bagkus ay hindi naman malubha ang kanilang kalagayan.