CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinag-utos ngayon ng Cagayan de Oro City Police Office ang malawakang pagtugis laban sa isang lalaki na suspek paggahasa ng isang babae na nagta-trabaho bilang call center agent habang sila ay nasa loob ng lodging house sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos inaakusaha ng hindi pinangalanan na biktima na habang nalasing sa iniinom na alak ay nag-take advantage naman ang ka-trabaho nito upang siya ay gahasain umano sa tinuluyang kuwarto sa Divisoria nitong lungsod.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni City Director Col Henry Dampal na tukoy naman ng kanilang mga operatiba ang pagkaka-kilanlan ng suspek kaya pinayuhan na lamang nila ito na boluntaryong sumuko.

Sinabi ni Dampal na bagamat iginiit ng biktima na umano’y nakuha ang pagka-babae nito subalit hinihintay pa nila ang resulta ng medico legal para ma-attach sa kasong rape na isasampa laban sa tumakas na suspek.

Magugunitang mula umano sa trabaho ang dalawa bilang call center agents at nagkasundo na pagpalipas ng ilang oras dahil may curfew hours ang naka-modified enhanced community quarantine ang syudad noong nakaraang gabi.

Si City Director Col Henry Dampal

Bagamat nagtataka rin ang ilang social media netizens kung bakit sumama ang biktima sa loob ng lodging house lalo pa’t hindi naman nito ka-relasyon ang nabanggit na suspek.