CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinasa ng pulisya ang malawakang pursuit operations laban sa anak ng dating alkalde kasama ang tatlong iba pa na responsable paglusob ng isang jewelry shop sa Barangay Sugod,Marawi City,Lanao del Sur.

Ito ay matapos natangay umano ng suspek na si Mahid Salic ang nasa P2.6 milyon halaga ng mga alahas at pera nang lusubin ang Layl- Haya Jewelry Shop na pinag-arian ni Noaim Mohammad Macaraya na nagtamo ng sugat nang lumaban sa kasagsagan ng kremin.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Rex Derilo na natukoy ang suspek nang pinakitaan ng pulisya ng mga larawan at lumalabas na anak umano ito ni dating City Mayor Fahad Salic na una ring pinaghahanap dahil isinangkot sa terror attack noon sa Marawi City.

Inihayag ni Derilo na agad ikinasa ang follow up operation subalit nakatakas si Salic at tanging suspected drug paraphernalia, 6 na sachet ng hinihinalang shabu at replika ng kalibre 45 na baril ang narekober ng pulisya sa bahay nito sa Ditsaan-Ramain, Lanao del Sur.

Ipinag-utos na rin opisyal na higpitan ang lahat ng exit boundaries ng probinsya at hanapin ang mga suspek para ihaharap sa kasong robbery and violence against persons na pormal nang naisampa sa piskalya ng lungsod noong Enero 22.

Si Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Rex Derilo

Bagamat nasa ligtas ng kalagayan si Macaraya kahit nagtamo ito ng saksak at mga pasa matapos binugbog ng mga suspek bago tuluyang tumakas sakay ng Ford Everest noong nakaraang linggo.