-- ADVERTISEMENT --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY –Pinapurihan ng liderato ng AFP’s Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) ang limang military officials na nasa likod pagkapaslang sa isa sa mga natitira na most senior officers ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army -National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na mayroong kontrol sa armed struggle sa Mindanao region.

Ito ay kasunod ng tuluyang pagka-neutralized ng AFP kasama ang Philippine Air Force kay NDF spokesperson at NPA’s national operation’s command na si Jorge Madlos alyas Ka Oris sa bayan ng Impasug-ong,Bukdinon noong Oktubre 30,2021.

Mismo si EASTMINCOM commanding officer Lt Gen Greg Almerol ang tumungo sa headquarters ng 4th ID,Philippine Army ng lungsod upang personal ipaabot kay Maj Gen Romeo Brawner Jr ang mainit na pagbati sa kanyang mga tauhan na nakasagupa sa grupo ni Ka Oris.

Kabilang sa ginawaran ng meritorious achievement medal award ay ang mismong si 403rd IB commander Brig Gen Ferdinand Barandon Jr kasama sina Lt Col Narcisco San Jose;Lt Col Edgardo Talaroc;Lt Col Wilfredo Martinom na direkta niyang ground troops operators at nasa likod ng aistrike support na si Air Force Col Benedict Budegon.

Sinabi ni Almerol na ang pagkawala umano ni Ka Oris ay nangangahulugan ng malaking pagpapanumbalik ng katiwasayan at katahimikan sa mga susunod na araw sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --
Si EASTMINCOM commanding officer Lt Gen Greg Almerol

Magugunitang una nang inamin sa maybahay na si Myrna Solarte alyas Ka Maria Malaya na pinuno rin ng North Eastern Mindanao Command na nakabase sa Caraga na talagang napaslang ng gobyernong tropa ang kanyang asawa.