-- ADVERTISEMENT --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinawag ng ilang Afghan-Americans si US President Joe Biden na walang utang na loob habang pinagmasdan ang panunumbalik ng kontrol ng rebeldeng Taliban sa malaya at demokrasya sana na bansang Afghanistan.

Ito ang dismayado na reaksyon ni Afghan-American Dr Ali Karim habang pinanood at pinakinggan ang talumpati ni Biden kung saan sinisi ang political elected at military officials ng Afghanistan kung bakit hinayaan na agawin at kontrolin ng Taliban fighters ang pamumuno nito.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Karim na hindi nito nagustuhan ang pinagsasabi ng US President dahil tila nalilimutan na umano niya kung gaano kadami na Afghan pro-democracy people ang nagbuwis buhay kasama sa mga sundalong Kano na matapang nilabanan ang Taliban fighters sa loob ng 20 taon.

Sinabi ni Karim na sana humingi ng tawad si Biden at pinasalamatan pa ang kanyang mga kababayan dahil tinulungan ng Afghan citizens ang US forces upang palisin sa katungkulan ang mga Taliban para maipalit ang mga personalidad na ginusto ng Amerika.

Si Afghan-American Dr Ali Karim

Una nang naghugas kamay si Biden sabay pag-depensa kung bakit kailangang lisanin na ng US forces ang Afghanistan dahilan na sinamantala ng Taliban rebels ang madalian na power takeover at nag-resulta ng malawakang pagsilikas ng maraming Afghans at ibang nationalities.

-- ADVERTISEMENT --