CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutukoy ng pulisya na maaring personal grudge ang pangunahing layunin ng motorcycle in tandem suspects kung bakit malapitang binaril-patay ang aktibong abogado sa labas ng kanyang bahay sa Abello Street,Barangay 6, Malaybalay City,Bukidnon.

Kinilala ni Malaybalay City Police Station commander Lt Col Jerry Tambis ang biktima na si Atty Winston Intong,53 anyos at residente sa nabanggit na lugar.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Tambis na mayroong binili na gulay lamang ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang binaril ng hindi kilalang mga salarin gamit ang hindi pa tukoy na uri ng baril dahilan na patay nang makarating sa pagamutan.

Inihayag ni Tambis na maliban kay Intong,tinamaan din ng mga suspek ang vegetable vendor na si Romeo Balinguig Jr,19 anyos subalit hindi napuruhan at ligtas na ang kalagayan.

Sa ngayon,inaalam pa ng pulisya ang identity ng mga salarin habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Una nang nabanggit ni Police Regional Office 10 spokesperson Capt Francisco Sabud Jr na nasa listahan ng Pangulong Rodrigo Duterte si Intong na umano’y nasangkot ng illegal drug activities.

Naisalaysay rin ng anti-illegal drugs agency na dati nang naaresto si Intong kasama ang tatlong iba pa habang nasa loob ng kanyang law office dahil umano sa kinasangkutang illegal drugs sa Valencia City taong 2015 subalit kalaunan ay nabasura ang kaso resulta ng ilang teknikalidad.

Si Malaybalay City Police Station commander Lt Col Jerry Tambis

Magugunitang na-reprimand din ng Korte Suprema bilang respondent si Intong dahil sinuway ang lawful court orders kaugnay nang kihanarap na reklamo noong taong 2016.