CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong sundalo at isang sibilyan nang tambangan ng hindi kilalang armadong kalalakihan sa boundary ng mga bayan ng Poona Piagapo at Pantao Ragat,Lanao del Norte.

Photos from Lanao del Norte PNP/PNP’s Municipal Offices

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Capt Francisco Sabud Jr na nakatanggap umano ang kanilang lower units ng tawag ukol sa limang katao na nakahandusay at duguan kaya agad pinuntahan ang crime scene.

-- Advertisement --

Inihayag ng Sabud na batay sa beripikasyon ng Lanao del Norte Provincial Police Office sa pamamgitan ni Maj Salman Saad na natukoy ang mga biktima na sina Army Cpls Albert Saura;Bryan Binayog at PFC Albert Soriano na lahat miyembro ng 4th Mechanized Batallion Armor Division ng 1st Tabak Division ng Philippine Army.

Sinabi ni Sabud na patay rin ang sibilyan na si Camilo Andog,18 anyos na taga-Brgy Denaig ng probinsya na nagmamaneho ng motorsiklo kung saan nakasakay ang sundalo sa lugar.

Natuklasan na papunta ng palengke ang mga sundalo ng biglang tinambangan ng mga suspek.

Si Police Regional Office 10 spokesperson Capt Francisco Sabud Jr

Nagkapalitan pa ng putok mula sa dalawang panig dahilan na sugatan ang isa pang sibilyan na si Hadji Amen Sumagumba nang maipit ang kanyang pamilya habang sakay ng sariling kulay gray na Hi-Lux vehicle.

Sa ngayon,tuloy-tuloy pa ang pursuit operation ng PNP at AFP laban sa mga tumakas na mga suspek.

Samantala,kinompirma naman ni 1st ID,Philippine Army spokesperson Capt Clint Antipala ang pagkasawi ng kanilang tatlong sundalo kaninang umaga.