-- ADVERTISEMENT --

CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang tatlong katao habang lima naman ang sugatan matapos mauwi sa aksidente ang drag racing ng mga motorsiklo sa Purok-5, Barangay Cabangahan, Malaybalay City, Bukidnon.

Kinilala ang mga namatay na sina Florendo Cababat, 21 anyos, 16-anyos na lalaki na may apelyedong Tagle na parehong taga Bukidnon at Abegail Manalo, 22- anyos na residente ng Dinagat Island, Surigao Del Sur.

Sinabi ni PSSgt Rusty Fuentes, traffic investigator ng Malaybalay City Police Station nasa 20 na mga kabataan lulan ng motorsiklo ang lumalok sa illegal na drag racing ngunit nahagip ng isa sa mga ito ang multicab kayat nagresulta sa pagkarambola.

Si Cababat at Tagle ang kabilang sa mga nakilahok sa karera ng motorsiklo habang si Manalo naman ang pasahero ng multicab na tumilapon ng magyari ang aksidente.

Ayon kay Fuentes agad na tumakas ang mga kasamahan ng drag racers at iniwan na lamang ang mga biktima na nakahandusay sa kalsada.

-- ADVERTISEMENT --

Nakalabas na sa ospital ang isa sa mga biktima habang ang apat ay patuloy pang ginagamot ng mga doktor.