CAGAYAN DE ORO CITY – Pinagkaisahang tinugis ng tatlong teams ng pulisya t militar ang nasa 30 miyembro ng Sub-Regional Committee 5 ng CPP-NPA na tila nagparamdam ng bangis sa ilang bayan ng western side ng Misamis Oriental..

Ito ay matapos namataan ang presensiya ng mga rebelde sa mabundok na bahagi sa bayan ng Naawan kaya agad ni-respondehan ng 1st Special Forces Batallion ng Philippine Army at nagkapalitan ng mga putok na nagresulta pagkasugat ng dalawang mga sundalo.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Misamis Oriental Provincial Police Office spokesperson Lt Theofratus Pia na sa ilang minuto na bakbakan ay nadaplisan ang dalawa sa mga sundalo bagamat nasa ligtas ng kalagayan.

Inihayag ni Pia na nais umano iligtas ng mga rebelde ang kanilang squad leader na unang naaresto ng pulisya nang ma-corner sa engkuwentro ng Initao ng lalawigan noong nakaraang linggo.

Dagdag ng opisyal na muling nadala ng militar at pulisya ang engkuwentro sa bahagi ng Initao kaya napilitan ang ilang mga pamilya na makisilong sa pasilidad ng poblacion kahit umulan at sobrang dilim noong nakaraang gabi.

Si Misamis Oriental Provincial Police Office spokesperson Lt Theofratus Pia

Maggunitang napatay ng PNP-MisOr ang isang miyembro ng NPA habang isa pa ang naaresto kaya nagpabalik-balik sila sa bahagi ng lalawigan upang ipaghigante ang sinapit ng kanilang mga kasamahan.