CAGAYAN DE ORO CITY – Inaalam ngayon ng pulisya kung mayroong kaugnayan ng ‘rido’ o personal na bangayan ng mga angkan ang dahilan pagbaril-patay ng dalawang engineering students sa loob mismo ng Mindanao State University Marawi Campus sa Marawi City,Lanao del Sur.

Ito ay matapos wala pang ‘ideya ang pulisya kung bakit pinaslang mga biktima na sina Hamza Rauf,24 at Omar Zainal,23 na parehong 3rd year students ng magkaibang kurso at pawang taga-Balo-i,Lanao del Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Christopher Panapan na ginamitan pa ng caliber 40 ng hindi kilalang mga salarin ang pagbaril ng mga biktima dahilan ng agaran nila na pagkasawi dahil sa fatal wounds ng mga ito.

Sinabi ni Panapan na pinabalikan nito ng kanyang mga tauhan mula sa Marawi City Police Office ang unibersidad upang ipagpatuloy ang imbestigasyon hinggil sa pangyayari.

Agad namang kinuhan sa mga kaanak ang mga bangaky ng mga biktima upang masunod ang kustombre ng paniniwalang Islam.

-- Advertisement --

Magugunitang pauwi na sa kanilang dormitory ang mga biktima nang sumulpot ang motorcycle in tandem suspects at pinagbabaril ang mga ito ng ilang beses dahilan ng kanilang pagkasawi.

Si Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Christopher Panapan