CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ng pulisya ang dalawang miyembro umano nang napasara na grupong Kabus Padatoon (KAPA) Community Ministry International Incporated dahil sa pending warrant of arrest ng kasong syndicated estafa sa Gingoog City,Misamis Oriental.

Kinilala ni Gingoog City Police Station deputy commander Lt Melvin Mangahas ang mga akusado na si Gina Labis,45,may asawa at taga-Brgy 17 na residente sa lugar at Martin Alarcon,nasa legal na edad na taga-bayan naman ng Claveria na nakabase lahat sa lalawigan.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Mangahas na unang nagsagawa ng joint operations ang PNP-Gingoog at Caraga PNP dahil sa umano’y car rent-tangay na modus operandi si Labis kaya pinaghahanap hanggang sa natunton at naaresto.

Sinabi ng opisyal na natuklasan ng mga otoridad na nagsilbing mga empleyado at miyembro ng KAPA ang dalawa na kabilang sa kasong syndicated estafa na kinaharap sa grupo ni Apolinario.

Bagamat inamin naman umano ng mga akusado na totoong mga miyembro sila ng KAPA at direktang contact ni Apolinario na nakabase sa Gingoog City.

Magugunitang ang napasara na grupo ay una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa NBI at PNP-CIDG na buwagin ito dahil hayagan ang panloloko sa mga tao na matagal nang tinalakay ng Bombo Radyo Philippines ng ilang taon sa rehiyon ng Mindanao.