Reading Time: 1 minute

Nagpahayag ng suporta si Balanga Bishop Ruperto Santos sa ginawang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Tinawag pa ng obispo na isang kagila-gilalas ang ginawang pagpapatigil ng pangulo sa lahat ng lotto outlets.

Dahil aniya dito ay magiging malinis na ang morale ng mga mananaya na magdadala sa kanila sa magandang kinabukasan.

Tinawag pa ni Santos na ang sugal ay isang bisyo na magdudulot sa krimen at kurapsyon.

Nauna rito ipinasara ng pangulo ang gambling operation ng PCSO dahil sa talamak na katiwalian.