Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalatayang katoliko na lumahok sa Walk for Life na gagawin sa Sabado sa isang unibersidad sa maynila.
Ang naturang programa ay ng mga Obispo, Pari, Madre, mga laico at iba pang kawani ng simbahang katoliko.
Ito ay naglalayong hikayatin ang mga Kristiyano na bigyang pagpapahalaga ang buhay at ipagdasal ang mga namatay na sanggol dahil sa kapabayaan.
Sisimulan ang paglalakad mula Quirino Grandstand sa Maynila at Welcome Rotonda sa Quezon City patungong oval ng UST sa Espanya Boulevard Maynila.
Sa sandaling dumating na ito sa UST, magsasagawa ng naman ng banal na misa na Manila Cardinal Jose Advincula na arsobispo ng Maynila.
Ito ay may temang ‘Together, We Walk for Life’ at magsisilbing panauhing pandangal si Bernard Canaveral ng Pro Life Philippines.
Ang Walk for Life ay unang sinimulan noong 2017 bilang pagkondena sa walang patid na pagkitil sa buhay dahil sa war on drugs ng dating administrasyon ni dating pangulong RRD.
Mula noon ay taon-taon na itong idinaraos upang ma protektahan ang bawat buhay mula sa abortion, divorce at same sex marriage.