Posibleng suspendihin ang mga pasok sa iba’t ibang paaralan sa ilang piling lugar sa bansa kung saan idaraos ang mga events ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa mga huling araw ang Nobyembre hanggang unang araw ng Disyembre.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, nas iyang chairman din ng Philippine SEA Games Organizing Committee Foundation, kinokonsidera nilang i-request ang suspension ng mga pasok sa mga paaralan para maibsan ang problema sa trapiko sa ilang concerned areas.

“Tutal part din naman ng education ang sports, makapanood din ang mga bata, whether sa TV or sa bahay,” sambit ni Cayetano sa isang panayam.

Samantala, tinukoy din ni Cayetano na nagsusumikap ang mga organizers para gawing malapit ang accomodation ng mga atleta sa mga sports venues.

Nabatid na sa Nobyembre 30 na ang opening ceremonies ng SEA Games na idaraos sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ilan pa sa mga gagamiting venues para sa SEA Games hanggang Disyembre 11 ay ang Rizal Memorial Sports Complex, Athletics Stadium at Aquatic Center sa New Clark City, at Manila Polo Club.

Para kay Cayetano, magandang pagkakataon para sa economic at sectoral developments ng bansa.