Reading Time: 1 minute

Nagpasalamat sa Diyos si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano matapos na mapili siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanyang manok sa speakership race sa Kamara.

Sa kanyang Facebook live, pinasalamatan din ni Cayetano si Pangulong Duterte sa naging desisyon nito.

Maging ang mga kapwa niya contenders sa speakership race na sina Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ay kanya ring pinasalamatan.

Tiniyak naman ni Cayetano ang good governance sa Kamara kasabay ng pangakong gagawin niyang House of the People ang mababang kapulungan.

Maaring magkakaroon din daw ng political will sa Kongreso laban sa korapsyon gaya ng ipinakita ni Pangulong Duterte.

Samantala, umaasa naman ang kongresista na magkakaroon sila ng magandang samahan pati na rin sa ehekutibo at lehislatura.