-- Advertisements --

Nanawagan ang ilang daang mga pastor kasama ang ilang libo sa mga miyembro ng kanilang simbahan na tumakbo bilang pangulo si dating Speaker Allan Peter Cayetano sa 2022 national elections.

Aabot sa 588 na pastor, kasama ang 1,564 miyembro ng kanilang mga simbahan, ang nagsabi sa isang bukas na liham na si Cayetano ang nakitaan nila ng mga katangian na sapat para pamunuan ang bansa sa gitna ng iba’t ibang krisis dahil sa pananampalataya rin nito sa Diyos.

Nabatid na ang pumirma sa naturang liham ay nagmula sa 562 na simbahan.

Kamakailan lang, sinabi ni Cayetano na nais niyang magsulong ng isang faith-based, values-oriented, at Bible-centered na pamumuno sa darating na halalan.

Aniya, pinag-iisipan niya sa ngayon kung siya ba ay tatakbo bilang pangulo, at dipende na rin ang kanyang magiging desisyon dito sa konsultasyon niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

-- Advertisement --