Magbibigay naman ng $100,000 o mahigit P5-M si Cleveland Cavaliers star Kevin Love para sa mga empleyado ng kanilang playing arena na apektado ng suspension ng laro ng NBA dahil sa coronavirus disease.

Sinabi nito na hindi lamang siya nababahala sa basketball at sa halip ay sa mga tao na nasa likod tuwing sila ay naglalaro.

Nagpahayag din ang Cavaliers na gagawa sila ng paraan para matulungan ang mga empleyado ng mga playing venues na apektado ng pagsuspendi ng laro.

Magugunitang pinasuspendi ng NBA ang lahat ng laro para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.