Pinagpahinga muna ng Cleveland Cavaliers ang kanilang mga regular players kaya naman sinamantala ito ng Washington Wizards upang itala ang panalo sa 94-102.

Dahil dito, nilasap ng Cavs ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo at wala pang panalo.

Ang NBA superstar na si LeBron James ay hindi pa rin naglaro dahil sa ankle injury, habang nagpahinga naman sina Dwyane Wade, Derrick Rose, Kevin Love, J.R. Smith, Jae Crowder at Tristan Thompson.

Nanguna sa Wizards sa kanilang ikatlong panalo si Bradley Beal na may 11 points kahit limitado lang sa siyam na minuto ang inilaro.

Sunod na makakaharap ng Cavs ang Chicago Bulls sa Miyerkules, habang makikipagtuos naman ang Wizards sa Miami sa Huwebes.