Inalerto ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang mga residente ng probinsya sa epekto ng Bagyong Ulysses at inatasan ang mga otoridad na ihanda ang ipapatupad na emergency measures.
Pinahahanda rin ni Remulla ang kanyang mga constituents sa posibilidad na magkaroon ng power outage at mahinang internet connectivity sa probinsya gayong direktang tatama ang Bagyong Ulysses sa Cavite.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Remulla na inatasan na niya ang kanilang Disaster Risk Councils na ihanda ang ipapatupad na emergency procedures.
Sinabi rin nito na ang mga residente sa mga high risk areas ay kanilang ililikas, kasabay nang pag-iingat naman sa mga nakatira sa mga low-lying areas sa posibleng pagbaha.
Inaabisuhan din ng gobernador ang kanyang mga constituents na palaging mag-abang sa mga updates at announcements mula sa pamahalaan kaugnay sa Bagyong Ulysses.