CAUAYAN CITY – Inihahanda na ng Isabela Provincial COVID-19 Vaccination Task Force ang COVID-19 vaccination sites sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Information Officer  Elizabeth Binag, sinabi niya na bagamat ang mga Local Government Units (LGUs) at Provincial Health Office ang tumukoy sa mga vaccination sites sa Isabela ay kailangan pa rin itong i-validate ng Isabela Provincial COVID-19 Vaccination Task Force.

May  mga LGUs na marami ang isinumiteng sites kaya kailangang i-validate dahil pangunahing ikinukunsidera  ang storage ng mga bakuna lalo na at magmumula pa sa Cagayan Valley Regional Health Office ang mga bakuna.

Ngayon ay mayroon nang naisumite ang mga LGUs na vaccination sites na umabot sa 85 at hindi pa kabilang dito ang tatlong sites sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela  na para sa mga sundalo.

Bukod dito ay apat na ospital ang magiging vaccinations sites sa Isabela na kinabibilangan ng Southern Isabela Medical Center (SIMC), Echague District Hospital, San Antonio, City of Ilagan Hospital at Isabela United Doctors Medical Center (IUDMC) sa Cauayan City.

Ang pahayag ni Atty. Elizabeth Binag