CHINA – Isang martial artist ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record matapos niyang sindihan ang 21 na kandila gamit ang kanyang tsako. 

Dati nang nakapagtala ng world record ang 28 anyos na si Xie Desheng nang magawa niyang patayin ang sindi ng mga kandila sa pamamagitan ng galing niya sa tsako. 

Sa pagkakataong ito, ginamit  niya ang tsako upang sindihan ang  21 na kandila sa loob lamang ng isang minuto. 

Ayon kay Xie na isang dekada nang nagpapakadalubhasa sa paggamit ng tsako, inaabot siya ng isang taon upang paghandaan ang kanyang mga world record attempt. 

Nanalo na siya sa ilang kompetisyon sa paggamit ng tsako sa loob at labas ng China at nagtuturo rin siya sa Shanghai ukol sa paggamit dito.