CAUAYAN CITY– Dating seminarista ng Our Lady of Visitacion Seminary ang number 4 sa katatapos na Licensure Examination for Teachers ( LET ).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Devin David Dumlao, number 4 sa nakalipas na LET Examination for Teachers Secondary Level, sinabi niya na pauwi na siya mula sa kanilang song practice ng matanggap ang magandang baklita na hindi lamang siya pumasa kundi napabilang pa sa topnotchers ng katatapos na LET.

Aniya mismong co-teacher niya ang nakakitang lumabas na ang resulta ng 2021 LET at Top 4 siya sa mga nakakuha ng pinakamataas na marka.

Hindi naman napigilan ni Dumlao ang kanyang emosyon at napaiyak dahil sa labis na kasiyahan.

Aniya sila ay maitututring na pandemic batch ng LET , dahil sa pandemya ay ilan ulit na naantala ang pagsususlit na labis na naka apekto sa kaniyang momentum.

-- Advertisement --

Hindi rin niya hinangad na mapabilang sa topnatchers dahil ang pinuntirya lamang niya ay makapasa sa pagsususlit.

Sinabi ni Dumlao na hindi siya ngatapos ng BS Eduaction Kundi nagtapos siya ng kurso Bachelor of Arts in Philosopy noong 2018 sa Our Lady of Visitacion Seminary at Our lady of the pillar College Cauayan Incorporated.

Aniya nang magtapos siya sa Bachelor of Arts in Philosophy  ay agad siyang nagnagturo sa Our Lady of the Pillar College San Manuel Incorporated.

2019 nang kumuha siya ng units ng professional education kasabay rin ng pagkuha niya ng Master’s in Education.

Enero 2020 nang mag-apply siya sa LET at sa Baguio City sana siya kukuha ng pagsusulit subait naantala ito dahil sa pandemiya .

Aminado naman si Dumlao na dahil tinatapos niya ang kanyang masteral ay nahati ang kanyang atensiyon at paghahanda para sa pagsusulit.

Sa ikatlong pagkakataon na naantala ang LET ay napagtanto niya na marahil ay nais ng Panginaoon na siya ay makapag-focus sa kanyang Masteral

Buwan ng Hunyo at Hulyo noong 2021 nang simulan niya ang pag-rereview.

Upang masigurong makakapag focus siya ay dine-activate niya ang lahat ng kanyang personal social media accounts.

Bilang dating seminarista ay maaring kalooban ng Panginoon na mapunta siya sa Academe at makapagturo.

Si Devin David Dumlao ay Nagtapos ng kanyang elementarya sa Disipit Elementary School at La Salette of Jones Incorporated sa Sekondarya.

Bahagi ng pahayag ni G. Devin David Dumlao