CAUAYAN CITY – Tinatrabaho na ng TESDA ang centralized list ng mga nakatapos ng training upang mas mabilis na hanapan ng trabaho ang mga skilled workers na may national certificate o NC.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kalihim Isidro Lapeña, sinabi niya na pinag uusapan na ang paggawa ng minsanang listahan ng mga nakapagtapos sa pagsasanay ng TESDA katuwang ang DOLE.

Aniya inaayos na nila ito katuwang ang DOLE upang mas mabilis na makahanap ang mga nakapagtapos lalo na ngayong may pandemya.

Titiyakin din nila na walang maiiwan sa mga dumaan sa training lalo na ang mga may planong mag abroad o magtayo ng negosyo.

Ilan sa mga benepisaryo ng nasabing libreng pagsasanay ang mga dating kalaban ng bansa ngunit tiniyak ng TESDA na walang diskriminasyon sa mga former rebels na una nang nagsipagtapos.

-- Advertisement --
Ang bahagi ng pahayag ni Kalihim Isidro Lapeña

Samantala labis namang ikinatuwa ng dating rebelde dahil binigyan sila ng pagkakataong mamuhay muli ng normal sa kabila ng kanilang paglaban noon sa pamahalaan.

Aniya malaking bagay ang ipinagkaloob na libreng training sa kanila lalo na ngayong may pandemya.

Magagamit niya ito upang kumita at maitawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ayon sa dating rebelde maraming nasayang na pagkakataon noong siya ay tagasuporta pa lamang ng NPA.

Ang bahagi ng pahayag ng dating rebelde.