CAUAYAN CITY – Pumangalawa ang region 2 sa National Capital Region (NCR) sa mga rehiyon sa bansa na nalampasan na ang 70% target population na mabakunahan konra COVID-19.

Sa datos ng DOH region 2, sa puntiryang 70% o 2.5 million population ng ikalawang rehiyon ay nasa 80% na ang nabakunahan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Rio Magpantay  ng DOH Region 2, sinabi niya na naging maganda ang resulta ng tatlong araw na National Vaccination Drive  kaya  naabot ng DOH region 2 ang 123% vaccination rollout.

Ayon kay Dr. Magpantay,  252,000 lamang ang target ng DOH region 2 sa tatlong araw na pagbabakuna ngunit nalampasan ang naturang bilang.

Aniya, apat na lalawigan at lunsod sa rehiyon ang nakaabot sa mahigit 100% ng target population ang nabakunahan kabilang ang Cagayan, Isabela, Batanes at Santiago City.

-- Advertisement --

Bagamat hindi nakapagtala ng 100%ang mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino ay naging mataas pa rin ang vaccination rollout sa 2 lalawigan.

Ang magandang resulta ng tatlong araw na Bayanihan  Bakunahan ay bunga ng pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga Local Government Units (LGU’s).

Samantala dalawang linggo na ang nakalipas nang simulan ng DOH region 2 ang pagbibigay ng booster shot  sa mga healthwokers.

Ayon kay Dr. Magpantay,  kapag marami pang bakuna ang darating sa rehiyon ay maaaring isabay na sa pagbibigay ng booster shot  ang mga senior citizen at mga may comorbidity maging ang nalalabing populasion ng Pediatric A3 at adult population.

Nagpasalamat si Dr. Magpantay  sa  mga natatanggap nilang suporta at muling hinikayat ang publiko na magpabakuna dahil mahalagang may proteksiyon laban sa sakit.

Ang pahayag ni Regional Director Rio Magpantay