CAUAYAN CITY –Humakot ng 3 gold medals ang labing dalawang taong gulang na swimmer ng Cainta,Rizal sa kanyang tatlong event na nilabanan sa nagpapatuloy na 2019 Philippine Sports Commission Luzon Qualifying Leg-Batang Pinoy games.

Humakot ng gintong medalya ang Grade 6 student na si Aubrey Tom ang 12 and Under 200 Long Course Meter Individual Medley, 12 and Under 100 Long Course Meters Freestyle, at 12 and Under 50 Long Course Meter Backstroke.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Tom, kanyang sinabi na pangunahing ipinapaalala umano sa kanya na ibigay ang lahat ng kanyang makakaya sa mga laro at mag enjoy sa paglalaro.

Anya, bagamat tatlong beses narin siyang nakakapasok sa palarong pambansa ngunit hindi pa umano niya nararanasang makakuha ng gintong medalya rito.

Matapos ang una niyang pagsali sa Batang Pinoy games ay puntirya umano niyang makakuha ng gintong medalya sa palarong pambansa.