CAUAYAN CITY – Nais ng Department of Agriculture (DA) region 2 na muling maparami ang mga baboy sa Lambak ng Cagayan matapos magkaroon ng kakulangan sa supply dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2, sinabi niya na may investor na mula sa Thailand ang namuhunan sa Lunsod ng Ilagan at nakatakdang dalhin sa ginawang gusali ang mahigit 1,000 inahing baboy na magpaparami ng mga biik.

Dito na ibi-breed ang mga baboy upang maka-adapt sa klima at gagamitan ang mga ito ng intensive feeding at artificial insemination.

Ayon kay Ginoong Edillo, ang mga lugar na nasa lima hanggang anim na buwan nang walang naitatalang kaso ng ASF ay puwede nang muling mag-alaga ng baboy.

Aniya, dahil hindi kaya ng pamahalaan na balikatin ang pamimigay ng biik ay tutulong na lamang ang mga Local Government Units (LGUs) para sa livelihood ng kanilang mga constituents.

May mga farm multiplier na rin ang DA sa kanilang mga research stations upang magparami ng baboy na ipamimigay sa mga mamamayan bilang livestock loan module at baboy din ang ibabayad sa kanila.

Ang pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo