CAUAYAN CITY – Nakatakdang magpatupad ng Granular Lockdown ang Santiago City dahil sa pagkakatala ng Delta Variant sa Lunsod at patuloy na pagtaas sa kaso ng COVID 19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Genaro Manalo ang City Health Officer sinabi niya na nakatakdang ipatupad ang Granular Lockdown  sa Lunsod upang mapigilan ang posibleng pagkalat pa ng virus.

Bukas pa rin ang mga kainan o restaurant ngunit magiging limitado ang bilang ng mga papahintulutan para sa Dine In Service.

Maging ang mga Barber Shop at Salon ay mananatiling operational bagamat nasa limitado ang kapasidad.

Ilang kalye at bahay ang nakatakdang ipasara dahil sa pagtaas ng Covid-19 cases sa kanilang area.

Saka lamang ibaba ang Lockdown kapag bumababa na ang kaso ng virus sa mga apektadong lugar.

Mabibigyan naman ng Food pack o ayuda ang mga apektadong residente bilang suporta sa ilang araw na pagsasailalim ng mga ito sa Lockdown.

Wala pa namang balak ang lunsod na tuluyang magpasara ng mga Brgy. na mataas na ang kaso ng Covid 19.

Patuloy naman ang Contact Tracing ng CHO na isinasagawa sa mga huling nakasalamuha ng mga nagpositibo sa Delta Variant.

Karamihan sa mga ito ay gumaling na habang isa naman ang nasawi.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Genaro Manalo.