CAUAYAN CITY Dinakip sa drug buy-bust operation ang isang reaper operator matapos na masamsaman ng mga iligal na droga, baril at bala sa Cabatuan, Isabela.

Ang naaresto ay si Ryan Caluya, 28 anyos at residente ng barangay La Paz, Cabatuan, Isabela.

Nakuha sa kanya ang isang caliber 38 revolver na may bala, tatlong sachet na naglalaman ng shabu at pinatuyong dahon ng Marijuana.

Ayon sa Cabatuan Police Station, matagal na sinubaybayan ang pinaghihinalaan bago isinagawa ang operasyon laban sa kanya.

Sasampahan si Caluya ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2002.