CAUAYAN CITY– Naniniwala ang Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2) na nakakatulong ang pagpapanatili sa mga Quarantine Control Checkpoints para sa pagsugpo ng paglaganap ng krimen sa region 2

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PBGen. Crizaldo Nieves, Regional Director ng PRO2, sinabi niya na ang pagpapanatili sa mga quarantine control checkpoints sa Lambak ng Cagayan ay napipigilan ang pagbiyahe ng mga kriminal dahil sa mga hinahanap na kaukulang dokumento bukod pa sa presensya ng mga otoridad.

Kaugnay nito ay inilunsad din ng PRO2 ang kanilang tracker teams sa iba’t ibang bayan na tumututok sa mga top most wanted at iba pang wanted person na nagtatago sa rehiyon gayundin ang mga takas sa batas na namamalagi sa iba’t ibang probinsiya.

Ang bahagi ng pahayag ni PBGen. Crizaldo Nieves