CAUAYAN CITY – Pupulungin ang mga IT personnel ng mga pamahalaang lokal sa Isabela para talakayin ang pagpapatupad ng master card QR code  para sa mas mabilis na contact tracing dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Ito ay katulad ng ginagawa sa Lunsod ng Mandaluyong at Lunsod ng Makati.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Rodito Albano na  bukod sa kulang sa manpower ay magastos ang pagbili ng mga testing kits tulad ng antigen test.

Ooblihagin ang mga malalaking establisimiento na magkaroon ng scanning machine.

Sa mga palengke ay puwedeng sa entrance lamang nito ang  lalagyan ng QR Code  scanning machine.

-- Advertisement --

Sinabi ni Gov. Albano na pangunahing problema ngayon ang contact tracing dahil  may mga taong pasaway.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano