CAUAYAN CITY – Iginiit ng isang political analyst na pangalanan at maglabas ng ebidensiya si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa isang presidential aspirant na pinatutsadahan niya na gumagamit ng illegal na droga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Political Analyst Ramon Casiple na malaking isyu sa mga tao kung may ebidensiya ang pangulo.

Kung mayroon siyang mga ebidensiya ay dapat niyang ilabas, kasuhan at ipaaresto ang presidential aspirant dahil mayroon siyang kapangyarihan na gawin ito.

Hindi aniya kailangan ang eleksiyon para gawin ang pag-prosecute sa presidential aspirant na sinasabing gumagamit ng cocaine.

Ayon kay Professor Casiple, dapat na pangalanan ng pangulo ang presidential aspirant dahil mahirap ito sa ibang kandidato na napilitang sumagot at sumailalim sa drug test para patunayan na hindi sila ang tinutukoy ng presidente.

-- Advertisement --
Ang pahayag ni Prof. Ramon Casiple