CAUAYAN CITY– Naghahanda na ang pamilya ni Filipino boxer Carlo Paalam na pasok na finals matapos talunin ang kanyang kalaban na si Japanese Ryomie Tanaka sa Men’s Flyweight Division.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Pio Rio Paalam Sr. na nagdarasal ang kanilang buong pamilya sa laban ng anak na si Carlo Paalam na pasok na sa Finals ng Tokyo Olympics at kakaharapin nito ang boksingero ng United Kingdom ay itinakda sa August 7, 2021.

Labis labis anya ang kanilang katuwaan sa panalo ni Carlo Paalam.

Nagpapasalamat din siya sa suporta ng mga mamamayang Pilipino sa kanyang anak.

Nagdarasal anya sila na makuha ni Carlo Paalam ang gintong medalya sa kanyang laban sa araw ng Sabado.

Bahagi ng pahayag ni G. Pio Rio Paalam Sr.