CAUAYAN CITY – Ikinatuwa ng ilang Briton ang pagpapataw ng multa kay Prime Minister Rishi Sunak ng Lancashire Police sa United Kingdom dahil sa hindi pagsusuot ng seat belt habang nakasakay sa umaandar na sasakyan.

Ihinayag ni Bombo International News Correspondent Atty. Girlie Gonito na ang pagpapataw ng multa ng Lancashire Police sa mismong Punong Ministro ng United Kingdom ay nagpapakita ng mahigpit at seryosong pagpapatupad ng batas.

Aniya, magpapaunlak sana ng isang interview ang Punong Ministro nang makitang hindi nakasuot ng seatbelt kahit nasa back seat ng sasakyan.

Paliwanag naman niya na dahil abala siya ay nakaligtaan niyang isuot ang kanyang seat belt.

Malugod namang tinanggap ni Prime Minister Sunak ang ticket na ikinatuwa naman ng marami dahil nagpapatunay ito sa tunay na pagpapatupad ng batas trapiko kumpara sa ibang mga bansa.

-- Advertisement --

Ang sino mang maaarestong walang seatbelt sa United Kingdom ay pagbabayarin ng multa ng £100 o katumbas ng $124.

Tinig ni Atty. Girlie Gonito.