CAUAYAN CITY – Naglabas ng paglilinaw ang Office of Senior Citizen’s affairs o OSCA matapos na hindi makatanggap ng social pension para sa ikatlo at ikaapat na quarter  ang ilang senior citizen ng Lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Office of Senior Citizens Affair o OSCA Head Edgardo Atienza ng Cauayan City, sinabi niya  na natapos na noong nakaraang linggo ang kanilang pamamahagi ng cash para sa social pension ng mga senior citizen pensioners para sa  3rd at 4rth quarter pension ng mga ito.

Aniya, maganda ang naging resulta ng kanilang pamamahagi dahil pumasok sila sa mga barangay kasama ang mga kawani ng DSWD mula ika labing dalawa hanggang ikalabing anim ng oktubre upang personal na iabot sa pensioners ang kanilang pera.

Sa kabila nito ay mayroon umanong mga kasama sa listahan ng mga pensioners ang hindi nakatanggap o nakuha ng  kanilang pera at sa ngayon ay hinihintay pa  ng OSCA ang ibababang listahan na mag mula naman sa DSWD region 2.

Pinabulaanan rin ni OSCA head Atienza ang dahilan ng ilang senior citizen na hindi nila nakuha ang kanilang pera dahil hindi nila alam ang naturang programa.

-- Advertisement --

Paliwanag ni Ginoong Atienza na dalawang linggo bago ang pamamahagi ng pension ay nakausap at naipagbigay alam na ito sa mga presidente ng seior citizens sa bawat barangay sa Lunsod.