CAUAYAN CITY – Pinakaramaraming natatanggap na reklamo ng Regional Anti  Cybercrime Unit 2 ay ang mga nabibiktima ng Online scam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Mark Turingan, Chief Operation Section ng Regional Anti  Cybercrime Unit 2 na inatasan sila ng PNP Chief ng sabay-sabay na paghahain cybercime cases nationwide. 

Ayon kay PMajor Turingan, nakapaghain sila kahapon ng anim na cybercrime cases na kinabibilagan ng apat online scam na ang isa rito ay large scale estafa  sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga biktima na mag-online investment .

Bukod dito ay mayroon din silang naisampang dalawang kaso ng paglabag sa Republic Act 8484 o Debit and Credit Scam Fraud.

Ang paraan ng panloloko ay nakukuha ng mga pinaghihinalaan ang detalye ng mga Debit at Credit Cards ng mga biktima para makapag-transfer ng pera o pagbili sa mga bagay sa online market.

-- Advertisement --