CAUAYAN CITY – Hindi pa natatagpuan ang isang 17 anyos na binatilyo na hindi na nakauwi sa kanilang bahay mula noong gabi ng October 16, 2021  matapos na isakay sa isang tricycle at dadalhin sana sa himpilan ng pulisya sa San Mateo, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Josephine Ubaldo, sinabi niya na pauwi na ang anak na si John Eddie Ubaldo alyas “Gubling”  kasama ang isang bata nang isakay sa tricycle.

Natukoy ang tsuper ng tricycle at sinabi  na hindi sila nakarating sa himpilan ng pulisya dahil naubusan siya ng gasolina.

Ayon kay Gng.  Ubaldo, sumunod sila sa himpilan ng pulisya ngunit sinabi na hindi dinala roon ang binatilyo.

Emosyonal na nanawagan si Gng Ubaldo na ibalik ang kanyang anak sinuman ang kumuha sa kanya.

-- Advertisement --

Pinaratangan umano ang binatilyo na sangkot sa pagnanakaw sa ilang burger stand ngunit pinabulaanan ito ni Gng. Ubaldo.

Ang pahayag ni Gng Josephine Ubaldo