CAUAYAN CITY– Iimbestigahan ng US congress ang pagpasok at panggugulo ng mga Pro Trump protesters sa U.S. capitol.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Jon Melegrito, editor ng isang newspaper sa Washington D.C. na nais imbestigahan ng US congress kung paano nakapasok sa US capitol ang mga nag-riot.

Aniya, dalawang araw pa bago ang pagpasok ng mga Pro Trump protesters sa US capitol ay mayroon ng sinasabi na lulusubin ang U.S. Capitol pero walang ginawang paghahanda ang mga pulis.

Ayon sa kanya, kulang ang seguridad kaya nakapasok ang libu libong protesters at sinira ang mga bintana gayundin na pinasok ang chamber habang nagkakaroon ng debate sa loob ang Senado.

May dala aniyang baril at iba pang klase ng sandata ang mga nagpoprotesta s kaya may namatay at marami rin ang nasugatan.

Maari aniyang may sabwatan na nangyari dahil hindi naghanda ang mga pulis at halos walang pumigil sa kanila.

Napaalis din ng mga otoridad ang nanggulo sa U.S. Capitol.

Sa kabila naman ng ginawang ito ng mga tagasuporta ni Pangulong Donald Trump ay hindi niya ito kinondena.

Ayon Ginoong Melegrito, nakakabahala ang ganitong pangyayari dahil nawawalan na ng respeto ang mga tao sa pamahalaan ng Estados Unidos na kagagawan din ng Outgoing President.

Ang bahagi ng pahayag ni Mr. Jon Melegrito, editor ng isang newspaper sa Washington D.C.