CAUAYAN CITY– Bukas ang simbahang katolika sa Isabela para sa pagpapabakuna kontra COVID-19

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Bishop David William Antonio ng Diocese of Ilagan na bukas silang mga pari para magpabakuna dahil science based naman ang mga bakuna.

Handa aniya silang isapubliko ang kanilang pagpapabakuna kapag dumating na ang mga bakuna para mahikayat ang publiko.

Dahil dito, hinikayat niya ang mga mamamayan na magpabakuna dahil ito lamang ang lunas at malaking tulong ito para makontrol ang COVID-19.

Wala mang kasiguraduhan na hindi na magpositibo sa virus ang taong nabakunahan ay makatitiyak namang hindi niya ito ikamamatay kapag kinapitan.

Huwag aniyang matakot na mabakunahan para may panlaban ang katawan lalo na ngayong dumarami na ang variant ng virus.

Ang bahagi ng pahayag ni Bishop David William Antonio