CAUAYAN CITY- Sa halip na sa linggo ay noong Biyernes isinagawa ang misa ng palaspas ng mga katolikong Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Tripoly, Libya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan , inihayag ni Ginoong Louisito Batuon Jaramillo,manggagawa sa isang oil company sa Tripoli at Chairman ng OFW community organization sa Libya at tubong Ilocos Sur na dahil humupa ang kaguluhan sa Tripoli kahapon kaya isinagawa na lamang ang misa ng palaspas sa Saint Francis Catholic Church sa Tripoli.

Sinabi pa ni Ginoong Jaramillo na sabay sabay na ipinalangin ng mga OFW’s na matapos na ang kaguluhan at maging tahimik na ang bansang Libya.

Inihayag pa ni Jaramillo na sa tatlumpu’t anim na taong paninirahan niya sa Libya ay napansin niyang mababait ang mga libyans.