CAUAYAN CITY– Inilabas ni Governor Rodito Albano ng Isabela ang Executive order number 01 series of 2021 na naglalayong mas paigtigin pa ang pagpapatupad ng mga panuntunan sa lalawigan bilang paghahanda sa posibleng pagpasok ng bagong COVId 19 variant.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, spokesperson ng Isabela, sinabi niya na ginawa ng Gobernador ang naturang kautusan matapos na kumpirmahin na ng DOH na nakapasok na sa bansa ang UK variant ng COVID-19 na unang natuklasan sa United Kingdom.

Aniya, nauna naring naglabas ng memorandum ang DILG na inaatasan ang mga LGU’s na palakasin at palawigin ang pagpapalakas ng kanilang mga established health intervention kabilang ang restriction ng curfew hours at expanded travel restriction.

Isa ring dahilan ay ang pag-adopt ng Sanguniang Panlalawigan ng resolusyon na humihikayat sa lahat ng sektor na tumalima sa mga protocol at nagbabawal sa house to house,street o face to face bet collection at pag-uutos na ang lahat ng betting at bet collection for lottery ay dapat gagawin sa PCSO Official betting station.

Sa pagpapatupad ng EO number 1 series of 2021 ay inaasahang mawawalan na ng trabaho ang mga kubrador ng STL dahil sa pagbabawal sa house to house, street at face to face bet collection.

Kabilang rin sa highlights ng EO number 1 na limitado lamang sa hanggang 50% ng venue o sitting capacity o hindi hihigit sa isang daang katao ang pinahihintulutan sa mga gatherings partikular sa lahat ng mga LGU Events and Activities.

Pinapayagan din ang mga religious congregation subalit 50% lamang ng sitting Capacity.

Kailangan ipatupad ang 2 meter physical distancing maliban pa sa paglalagay ng markings.

Mahigpit ring ipinapatupad ang no close contact sa loob ng isang metro at pagbabawal sa mga traditional greeting gestures na hand shake at beso-beso.

Sa kabila ng mga paghihigpit ay binigyang linaw naman ni Atty. Binag na sakop rin ng 50% operational capacity ang mga water parks,land resorts,ecological parks,eco tourism parks,at hotels sa lalawigan.

Hindi naman pinapagayan ang pagdaraos ng parties, events o anumang selebrasiyon sa mga hotels sa lalawigan.

Pinahihintulutan naman ang operasiyon ng mga sabungan gayunman ipinagbabawal ang gathering of crowds o pagkakaron ng maraming tao hind lamang sa loob maging sa labas ng sabungan.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Elizabeth Binag