CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na handang-handa na ang mga atleta ng Pilipinas na sasabak sa 2019 South East Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansa mula November 30 hanggang December 11, 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Edward Kho, spokesman ng PATAFA , sinabi niya na kung sa physical na lakas ay nasa 40% na handa na ang kanilang mga atleta.

Sumasailalim sa mahigpit na pagsasanay ang mga atleta sa kanilang training camp sa Pangasinan bilang paghahanda sa pagsabak nila sa 2019 SEA Games.

Ang tinig ni Mr. Edward Kho

Ayon kay Mr. Kho, tuluy-tuloy ang pagsasagawa nila ng screening para sa iba pang mga atleta na maaaring mapabilang sa Philippine team upang itayo ang bandila ng bansa sa pakikipagtunggali sa mga atleta ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.