CAUAYAN CITY – Muling pupulungin ni Governor Rodito Albano ang mga mayor sa Isabela para sa posibleng pagsailalim sa mas mataas na quarantine clasiffication sa ilang bayan at lunsod na may mataas na kaso ng Coronavirus Disease (CVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Governor Rodito Albano na nais sana niyang isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Isabela ngunit dahil hindi ito pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay hihilingan niya na ang mga bayan at lunsod na lamang na may mataas na kaso ng COVID-19 ang isailalim sa mas mataas na quarantine status.

Pagkatapos nito ay kukumbinsihin din niya ang IATF na ideklara ang Modified ECQ sa Isabela.

Sa Sabado ay posibleng pupulungin ni Gov. Albano ang mga mayor sa lalawigan tungkol dito.

Kaugnay nito ay pinayuhan niya ang publiko na patuloy mag-ingat pa rin kahit mayroon nang bakuna kontra COVID-19.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano