CAUAYAN CITY – Patay ang isang make-up artist matapos mabangga ng isang kolong-kolong o trike habang nagse-selfie malapit sa tulay sa national highway sa Rang-Ayan, City of Ilagan, Isabela.

Ang namatay ay si Jonathan Agoot, 23 anyos, residente Malasin, City of Ilagan, Isabela.

Ang tsuper ng trike ay si Johnny Rosete, delivery boy, pansamantalang naninirahan Sta Victoria, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagtungo si Agoot malapit sa tulay sa Rang-Ayan para kumuha ng selfie ngunit nabangga siya ng trike.

Agad dinala si Agoot sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

-- Advertisement